April 28th, 2005

La Lng...

 Nanood ako ng Oprah kanina...

Nagulat ako sa topic nila... About transgenders... Hindi lng ung mga basta bading o tibo... E2 to the extremes... Ung talagang naniniwalang mali ung ung katawan nila pra s kanila... As in gusto nila maging opposite sex cla.

Naaawa nga ako dun s isang parent eh. Kc ung anak niya 5 yrs. old p lng yata cnasbi na na gusto nia maging babae. Eh ung tatay xempre may dreams pra s anak nia... Kya yun tlagang galit ung anak nia s kanya. Di ko na matandaan ung age eh pero pre-school pa lng...

 Ung isang babae nmn n gus2ng maging lalake tlagang muntik na magcommit ng suicide 6 yrs old p lng dhil ayaw ng parents nia. As in cnasbing '...maybe it would be better in heaven...'

Ung huli nmn na ininterview nila eh 30+ na ata... lalaki na 5 yrs old p lng alam n na transgender xia pero nung 30 yrs old lng xa lumabas... Eh may asawa't anak n.. Nung ininterview nga siya hindi ko alam na xia n un eh. Sbi pa nia ang galing daw nung generation ngaun kc kya nila mag come out ang bata p lng nila samantalang xia umabot pa ng 30 yrs...

 Kakaawa lng tlaga ung ibang parents na di matanggap kung ano meron ung mga anak nila... As in ung isa tlaga di nia tanggap na gustong maging babae ng anak nia... La lng naaawa ako.

Hehe. La n rin nmn cla magagawa eh. So dpat maging open n lng cla dba? Ewan ko. 

 

Currently feeling: distorted
Posted by exjournal at 01:04 AM | palimos?

Ang INITT!!!!!!!!!!!!!!

Nararamdam ko na ang global warming.

 Umiinit tuloy ulo ko.

Dahilan : Bgo na ung motherboard, processor, modem, keyboard, mouse, sound card, video card, RAM at speaker ng pc nmin... (Sa kadahilanang di n kinaya ng bumigay na ang motherboard nmin sa kakagamit kya un pinalitan ang Pentium 3 ng Celeron...) ang kaso... ang malaking KASO... 98 MB lng ung RAM. Hmm, bale dti sanay ako sa 384 MB na RAM (256 MB RAM + 128 MB RAM)sa dting pc nmin tpos biglang papagamit ngaun eh 98?!? Eh khit anong network game di gagana d2 eh... Grrr... Pero ok lng kc lhat color black except monitor nmin...ehehehehe.

Dahilan 2: HINDI KO MAKITA ANG IN-UPLOAD KO NA USER ICON D2 SA TABULAS!!! May nakikita ba kau? O nkasulat lng na link na yahub user icon? Ano? Pasabi nmn pls... Kung wla alam mo b kung pano un lalabas?  

 

 

Posted by exjournal at 12:39 AM | palimos?

April 26th, 2005

Last Day Ko sa Review Center

Kakatapos lng ng last day nmin sa Expert's Guide Review Center.

Ansaya. Tinake nmin ung Mock UPCAT at Mock ACET sa isang araw. Hehe. Pero ok nmn, nka above 60% ako s pareho. Bwahehehe.

Ansaya nga nung review eh may natutunan din ako. Ehehe nacover lhat ng topics cmula 1st year ang galing.

Mamimiss ko ung ibang batchmates ko dun. Hehe sa totoo lng ala nmn tlaga akong masyadong ka close dun kc nsa hrap ako eh lhat ng maiingay nsa likod. Hindi tuloy ako nakakapagsalita. Pede na nga ako bigyan ng Golden Dove Award for Conduct eh. Hehe kaka bwisit alphabetical arrangement kc eh sa hrap tuloy ako. Grrr. Pero mamimiss ko p rin ung ibang batch mates ko dun khit di kmi masyadong nakipag bonding.

Mga memorable conversations s klase nmin:

Math 2 Teacher: 'Alwyna and Agiluz can paint a haus in 2 hrs...(math problem)' [naisip yata na bored ang klase] Before I continue, cno d2 nanonood ng mulawin?

[walang sumagot. walang gustong magmukang baduy.]

Math 2 Teacher: Alam nio, ung katupusan nun nakakainis. Si alwyna at aguiluz...

Mulawin: NAGHALIKAN PO CLA! UN PO UNG KATAPUSAN! TPOS UNG MGA MULAWIN...

[tahimik ang klase. lhat nakatingin kay mulawin]

Mulawin: [inayos ung buhok sa tenga niya] Ano ba kwinento lng un s kin ng friend ko noh...

[yeah right.]

-----------------------------

[Discussion]

Teacher: Blah blah blah...so ung x is equal to...

Mulawin: Sir pano po nakuha ung x?

Teacher: Ah kc ganito yan...blah blah...

Mulawin: Aha...aha...aha...

Mulawin: Eh pano po ulit kunin?

Atenistang Juding: Ano ba? Nagegets mo b?
 
[tuloy pa rin ung discussion]

[bago na ung topic]

Teacher: So blah blah blah...

Atenistang Juding: Sir ano ulit un?

Mulawin: [pangalan ni Atenistang Juding] nagegets mo ba?

Atenistang Juding: SHHHH!
-----------------------------
[checking ng tests]

Mulawin: Ano ba yan ang baba ko n nmn! May Parkinsons Disease na yata ako! Nag dedeteriorate na yata ang cells...

Atenistang Juding: MAY PARKINSONS K?!? YUCK!!! WAG KA LUMAPIT S KIN BKA MAHAWA AKO EWW!!!

Posted by exjournal at 08:28 PM | palimos?

Not for Kids

Rated 18 - My Brother Is Not A Totoy Anymore

Upang mapaikli ang isang napaka-kontrobersyal na istorya: Ang aking kapatid ay natuli na last tuesday last week.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dapat talaga nung second week of april pa, pero dhil siya ay may invisible na balat sa pwet eh nadisgrasya sa nung araw na naka schedule ang operation niya. Sumama siya sa pagbike sa umaga ng mga pinsan namin, tpos natumba s bike. Umuwi siya na andaming sugat at galos, may bonus pang mga baling ligaments sa left hand niya. Nice. Pero ibang kwento na un kya let's go back to the main story.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
 
Natatawa ako sa kanya kc lagi niyang hawak ung harapan ng shorts niya. Hehe. Prang palaka pa maglakad.

Napa-isip tuloy ako.

Hindi ko alam kung bkit pa dpat hintayin na grade 6 o first year ang isang bata bgo siya i-circumcised eh pwede nmn na pag baby n lng. Eh dba mas madali nga un? Bgo ka pa mulat sa mga katotohanan ng mundo eh 2li ka na. Eh di pag dumating na ang panahon na pupunta sa doktor ang mga kaibigan mong lalaki wla ka nang gagawin kundi pagtawanan cla.

Pero sbi daw ng ate ko child abuse daw ung pagsi-circumcised sa mga baby. Malay ko kung totoo. Dti may napanood ako sa t.v. na prang 'rite of passage' ung pagsi-circumcised tuwing pre-teens.

Naalala ko tuloy ung hindi makataong training nmin s scl. Naisip ko pinagdaanan din un dati nung mga commanding officers nmin.

Prang alam ko n kung bkit.

Posted by exjournal at 08:18 PM | palimos?

April 18th, 2005

Eh kung umalis n lng kya ako ng pilpinas?!?

MGA MAPANGHUSGA ALIS! CHOO!

Read  dis muna:
Oi dati ko pa toh ginawa pero dhil alam ko di siya masyado maganda di ko na pinost. Eh halos ala nmng laman tong blog ko post ko na rin. Wag tatawa!

Bye bye?

Tumingin ako
lumingon
nagmasid
sa lupang
kinalakihan,
minahal.
Dinadamdam
ang bawat sulok
tinatandaan
ang bawat detalye
ng lupang
kinagisnan
at nag-aruga
mula pagkamulat.

Naghihimagsik
ang kalooban
sa kailangang
gawin
pinipilit sabihin
sa sarili
na ito
ang nakakabuti
ngunit
ito'y
taliwas
sa aking
nararamdaman.
 
Parang dagat
na umagos
ang bawat alon
ng memorya
ng nakaraan
ang bawat ngiti
luha,
saya,
pighati,
hindi pa man naka-alis
niisip na
kung kailan kaya
makakabalik.




At
sa huling
pagkakataon
sinubukan
pinipilit
dalhin
ang nakikita
sa aking
pag-alis.

Tumunog na
Ang kampana.
Ipinapaalala
na kailangan nang
harapin
ang realidad.
Ang bagay
na sarili mong
itinakda
ay di mo na
kayang
ibago pa.

Dala
ang mabigat
na kalooban
tumalikod
umalis
lumakad papalayo
lumingon sa huling pagkakataon
at napaluha.

Posted by exjournal at 07:05 PM | palimos?

Transport Jeepneys 90% Absent



Transport strike n nmn...

Dhil sa patuloy na pagtaas ng krudo at langis ng mga tindahan, lahat n rin gusto sumunod. Kaya [surprise!] isa n nmng transport strike. Syempre un puhunan nila eh kung tataas ang puhunan natural dapat tumaas ang income pra may matira na profit. Buti n lng hinatid at sinundo ako kanina kc kung hinde eh bka napilitan n ako makisingit sa mga jeep na pinipilit ng mga driver na hanggang sampu ung capacity khit n mas maliit pa ang gucci wallet ang space na mauupuan mo
pag ikaw ung pang sampu sa row nio. Ehehe sana lng wag na tumaas ang presyo ng pagsakay sa jeep noh kc sobrang ipit na ang budget ko sa pagsakay ng jeep eh apat pa naman sinasakyan ko papunta at pabalik ng review center.

Tpos ang blak p daw nila eh magdagdag ng P2 sa pamasahe?!? WHAT?!?! Ano yan pamasahe inflation? Bka pag mangyari un sumali nko sa mga rally... o padadagdagan ko n lng allowance ko... o pasundo at pahatid n lng ako everyday kc prang pareho lng nmn... ehehe.

Asar nmn eh. Lhat n tumataas ngaun eh ngaun p nmn naubos gel ko. Pti 3 months n tooth brush ko. Pti may P2300 pa akong balance s review center n un n wlang gawin kundi papuyatin ako. Tsaka kelangan na nmin bumili ng pandagdag n RAM sa computer nmin kc sobrang bagal na. Tsaka gus2 ko rin bumili ng korean movies s quiapo. Tsaka may gus2 p akong bilhin...pero sikret na.

*********************

Di ko alam kung bkit ang hilig ni Gloria mandagdag ng buwis. Pti mga religious organizations pinatulan. Alam ko na malaki ang utang ng pilipinas sa World Bank pero hindi nmn dpat ung ginagawa nila eh. Tangek pla cla eh kung tinataasan nila ung mga buwis eh di mas lalong marami ang mawawalan ng trabaho eh di mababawasan rin ang tax payers nila eh di mas lalo cla nawalan dba? Tpos may gus2 pa siyamg taasan ung corporate chuchu tax basta something about corporate na may tax eh sbi dun s radyo pilipinas na nga daw ang may pinakamataas n tax na ganun sa ASEAN eh. Ang bastos nmn.

Eh di nmn yan nakukuha s kung gaano kalaki ang tax ng tao eh. Ang tanong nagagamit ba ng wasto?!? Eh kung linisin nila ung gobyerno... kaso pag ginawa nila un pti cla mawawala eh so syempre hinde. Tsaka kung kung sana sinisingil nila ng maayos ung mga big companies eh di sana anlaki ng budget nila. Problema sa kanila di nila ginagawa ung dpat nilang gawin tpos sisingilin nila sa tao ung mga shortcomings nila.

GRAAAAAAAAAAAAH!!! Galit tuloy ako.
Posted by exjournal at 07:01 PM | palimos?

April 2nd, 2005

Mga ibang nangyari sa Nakaraan

March 30 

 

Umatend ako ng GS grad nung marche 30... pero hinde dhil gragraduate bro ko... Kc kasali s training for scl. Grabe, 1 pm kmi pinapunta dun, tpos mga 330 mag sta-start ung grad, so xempre ala kming ginawa kundi tumunganga hbang naghihintay... galing nung mga nag entrance of colors... gus2 ko sna sumali eh kaso di ako qualified. Eniweiz, nung medyo marami na ung tao pumunta n kmi s posts nmin, pero dhil d p nag star eh nag daldal n lng kmi...Kung ano ano ung pinag sasabi nmin nung kaibigan ko na trainee rin, so puro asaran. Tpos humirit ung isang co trainee ko rin n kasama nmin:

"Oi tama n nga yan! Puro kau trash talk eh!"

So dhil nga mapagtimpi ako, di kmi masyadong close at mas malaki siya s kin, di ko n siya cnagot. Kc kung close kmi cguro cnagot ko na siya ng:

"At least kmi hanggang trashtalk lng, eh ikaw wla k nang pag-asa trash k n eh."

Ehehehe... so after nun andun n kmi s posts nmin at nakipag patintero sa mga magulang na gus2ng mag cross over the lubid... pero at least maayos ung grad kc s ibang schools ang chaotic eh lhat ng magulang nsa harap ng stage nag pipicture...

Tpos nung grad binigyan kmi ng jolibee chickenjoy ng grade school faculty bilang pasasalamat sa aming pagtayo ng 4 na oras at pagtiis sa mga nakakatakot na mga magulang...  

*SCL - equivalent ng CAT sa school nmin

 

 March 31

 

Supposed to be magbabantay ulit ako ng grad, dis tym high school. kaso may naka planado na kming outing ng friends ko eh, so sorry mga mahal kong commanding officers, torture nio n lng ulit ako s susunod nting pagkikita!

Siksikan kmi sa van ng kaklase ko, bale mga 16 kmi, lhat may malalaking bag, tpos ung iba eh, uhmm, malalaki rin. So dahil ako ay slim, lima kming umupo s likod ng van sa isang 4 seater na upuan. At nagtiis ng 2 oras.

Hehe. Pero pagdating nmin, WAH! Prang private resort! Ganda ng place ng kaklase ko, 2 ung bhay, tpos may farm pa...  Ansaya, kaso pinagkamay ako nung lunch kya andaming natapon na pagkain... Sayang, nagpapataba p nmn ako.

Ansaya mag swimming, kaso di ako marunong lumangoy. Bale nagtampisaw lng ako s tubig. Ansaya. Buti n lng matangkad ako at hanggang 5 11 ft lng ata ung tubig. Nilalakad ko n lng. Ehehhehe.

Comment nmn kau. Pls? 

Posted by exjournal at 01:32 AM | 2 ang nagbigay.

Sakit Ng Ulo Ko...

Pumunta ako ng Quiapo ngaun...

Sinamahan ko kc ate ko dun pra magpapalit at bumili ng dvds. Ang init bwiset sumakit ulo ko! Pero ok lng kc nakabili kmi ng full house isang set...Natawaran p ng ate ko n bigay n lng n P400 lng. Kc 8 discs un so dpat 60/disc pinakamababa n nga ung P55/disc pero nakuha ng ate ko s P50/disc... naawa tuloy ako sa nagbebenta kc ang liit ata ng tubo nia dhil dun... Nakakaasar sarado ung store na pinagbibilhan ng ate ko ng korean movies. Eh dun p nmn pinakamarami. Pero naubos p rin ung P300 na dinala ko kakabili.

Pinanood nmin ung Garfield at The Guy Was Gorgeous He's So Cool(korean movie). Ok ung storya ng Guy was Cool kaso ang dming mura tsaka ung babae ang panget ayoko ung acting niya tpos msyadong inexaggerate ung pagka warfreak nia kya medyo pumanget... pero cute ung story. Kakainis ung huli naghang... di ko tuloy alam ung epilogue.

 

Nagalit c mama kanina kc puro n lng daw ragnarok c john2x. eh totoo nmn eh wala n siyang gawin kundi asikasuhin ang  swordsman niya s lintek n larong un... kya ala akong nagagwang entry d2 eh sia lgi gumagamit ng computer. Kinuha 2loy ni mama ung adaptor ng computer pra hindi n siya makakalaro.  Eh di hindi rin kmi makakagamit! BWISET! So dhil dun...

 Ako: Kaw kc eh! Ala k nang gawin kundi maglaro ng maglaro!

John: Hinde kya!  

Ako: Eh cno ba naglalaro kagabi, ug inagaw s kin ung mouse? Cno ba naglalaro kaninang umaga? Cno ba naglalaro kahapon ng kahapong ng gabi? Cno b---

John: EH minsan n nga lang ako naglalaro eh kc c ate jen lgi akong pinagbabawalan maglaro eh!

Ako: Eh kc nmn ala nmng nagagawa yang paglalaro mo eh! Dpat nga nagbabasa k eh! Kya ambagal bagal mo magbasa!

John: Eh kala mo dyan! Nagbabasa kya ako! Ung Fruitcake n libro 100+ pages un binasa ko!

Ako: Eh baket ung harry potter books 1-5 binasa ko lhat un eh halos 2000+ pages un lhat ah!  

 John: Eh sori ah!

Ako: Wag k n nga! Ano b napapala mo sa laro n yan? Masaya k n pag nag level up ka? Kala mo nmn lumakas k talaga? Kala mo nmn ung zeny dyan pera?

John: EH di nmn un s ganun eh...

Ako: Kya ganyan grades mo eh... Mag aral k nga! Naisip mo n ba kung ano k s future? Gusto mo n lng lagi k naglalaro? Alam mo b may mga students na nag da-drop out dhil lng dyan? Ung grades di tumataas di nga excellent eh... So kontento k n dyan?

John: E ang yabang m eh! Kala mo dyan nilalait mo n ako ah!

Ehehehehe... Kaka relax talaga mag trash talk... 

Posted by exjournal at 12:53 AM | palimos?
« | »